Search A Song

Banal Mong Tahanan

Sunday, June 28, 2009

Ang puso ko'y
Dinudulog Sa'yo
Nagpapakumbaba't ngsusumamo
Maging dapatin Mong
Ikaw ay mamasdan
Makaniig Ka at Sa'yo ay pumisan

Loobin Mong ang buhay ko'y
Maging Banal Mong Tahanan
Lukukan ng Iyong wagas na pagsinta
Daluyan ng walang hanggang mga papuri't pagsamba
Maghari Ka, O Diyos
Ngayon at kaylanman...

Sa Buhay Ko

Thursday, June 25, 2009


O Diyos, Iyong dinggin

Aking panalangin

Ang puso kong ito'y

Laging laan Sayo



Binigyan Mo ng banal na takot

Sumunod sa nais Mo

Naisin nawa ng aking puso

Ay kalooban Mo

Sa buhay ko

Tunay na Pagsamba

Patawarin Mo ako
Sa lahat ng pagkukulang ko
Inaalay Sayo
Ang puso ko
Nais kong makita
Ang kaluwalhatian Mo
Tanggapin Mo, Panginoon
Ang awit ko Sayo

Tunay na pagsamba
Tunay na pagpapakumbaba
Basagin Mo, Panginoon
Ang puso kong ito
Sa lahat ng nais ko
Lahat ng pinaka-iibig ko
Panginoong Hesus, maghari Ka..

Tinataas Kita

Wednesday, June 24, 2009

Tinataas Kita
Dinggin Mo, Panginoon
Ang puso kong umiibig Sayo
Nagmamahal Sayo
Nang buong puso ko

Kabutihan Mo'y naramdaman
Awa Mo'y naranasan
Pag-ibig ang Iyong laan
Sa sino mang umaawit, sumasamba (3x)

Mahal na Mahal Panginoon

Mahal na mahal kita Panginoon
Mahal na mahal kita Panginoon
Kaylanmay di kita ipagpapalit
Pagkat sa piling Mo'y langit
Mahal na Mahal kita Panginoon

Habang buhay, papupurihan ka
Habang buhay, maglilikod Sayo
Habang buhay, pag-ibig ko Sayo'y iaalay...

Todo Bigay

Wala ng hihigit pa
Sa ligayang nadarama ko
Pagkat ang puso ko'y
Puno ng pag-ibig Mo
Ikaw ang Diyos na buhay
Ang pag-ibig ko sa'Yo ialay
Luwalhatiin Ka, magpakaylanman

Tayo na sa piling Niya
Sama-samang isigaw ang pangalan ni Hesus
Liwanag Niya'y nagniningning
Sa buhay ko

Todo bigay, (ang papuri)
Todo bigay, (sama-sama)
Todo bigay, (walang tigil)
Todo bigay...

Ang Tanging Nais Ko

Ang tanging nais ko
Ay ang manahan sa piling Mo
Sapagkat, sa'Yo lang nararanasan
Ang tunay na, Kapayapaan...

Ang tanging nais ko
Ay ang manahan sa piling Mo
Sapagkat, sa'Yo lang nararanasan
Ang tunay na, Kagalakan...

Ang nais ko'y sa piling Mo
Ayaw ko nang mawalay sa'Yo
O Hesus, dinggin Mo
Ang dalangin ng puso ko
Ang nais ko'y sa piling Mo

Ang Nais Ko

Ang nais ko'y
Ipakita sa mundo
Pag-ibig Mong aking naranasan
Sa bawat oras ng paglilingkod Sa'yo
Ay higit pa sa isang libong taon

Nabubuhay para Sa'yo, O Hesus
Salita Mo'y ilaw sa'king mga paa
Patnubay ko, sa 'king landas
Ay higit pa sa isang libong tao


Ihahayag, ang kalayaan
Itatanghal, ang 'Yong pangalan
Isisigaw, ang kabutihan
Ibibigay ang lahat ng nasa aking kamay..

Manahan Ka

Wednesday, June 17, 2009

By: Pheobe & Brian of JCSGO R2


Sa Buhay kong ito
Ikaw lamang Hesus ang manahan
Ikaw lamang, O Diyos ang maluwalhati
Ang buhay kong ito'y Sayo lamang


Manahan Ka, sa buhay ko
Baguhin Mo, ang puso (2x)


Ang nais Mo, ang mapangyari
Sa buhay ko
Awitin kong ito'y
Iniaalay Sayo

Manahan Ka, sa buhay ko
Baguhin Mo, ang puso (2x)


Inaalay Sayo, ang puso ko
Inaalay Sayo, ang buhay ko
Ikaw sa buhay ko, manahan Ka
Ikaw sa puso ko...

SUMASAMO

by: Kerwin Celestino






Panginoon, dinggin Mo
Sumasamo Sayo
Puso ko'y, sinasabing
Sayo lang ang pagsamba

Naranasan ang 'Yong kabutihan
Naranasan ang 'Yong pagmamahal
Bisig mo, ang aking tanggulan
Sa piling Mo'y my katiyakan


Sambahin ka,
Higit kanino man
Natatangi ang Iyong pangalan
Buhay ko'y ilalaan
Hesus, Sayo lamang
Tanggapin, sumasamo kong hiling

Halina't Purihin ang Diyos


Halina't purihin ang Diyos
Pagpapala Niya sati'y Lubos-lubos
Makapangyarihan, Siya sa ati'y nagmamahal
Halina't Siya ay pasalamatan
Dakilang Diyos at Panginoon
Maghari Ka sa lahat ng Panahon
Ang ngalan Mo
Ay luwalhatiin
Ikaw lamang ang sasambahin