Search A Song

Banta

Sunday, July 5, 2009

Noong unang panahon

Sa aklat ng Kronika

Matatagpuan, isang hari ng Juda

May takot sa puso gaya ng sinuman

Ngunit walang pag-aalinlangan



Siya'y lumuhod, tumawag kay Yahweh

Kanyang idinulog ang kalaban niyang kay dami

Diyos ay tumugon at sa kanya'y sinabi

Josaphath, huwag kang matakot


Sila'y nagayuno, sabay na ngpupuri

Lahat ay sama-sama pati na ang hari

Patnubay ni Yahweh sa kanila'y namalagi

Dahil sa panalangin banta'y napawi


Chorus:

Gising na bayan, tayo'y magkaisa

Oras na laan wag ng sayangin pa

Magpakatatag at manalangin na

Kay Hesus na Siyang tanging pang-asa



Banta sa ating bayan ating nalalaman

Kahit ang iba'y nagbubulag-bulagan

Hindi maikakatwa ang katotohanan

Isang araw ay wala ng kalayaan

Kawawang bansa kung si Hesus di maghahari

Walang patutunguhan sabay na masasawi

Ating inang bayan walang pasubaling

Kununin ng kaaway at sila'y magwawagi...

PANGHAHAWAKAN KO

Mula sa itaas ng bundok

Hanggang sa kalangitan

Ako'y magtitiwala Sayo

Sabihin man ng mundong

Ako'y baliw Sayo

Susunod pa rin ako

Mga paguusig o kamatayan man

Di ako matatakot

Iiwanan ang mga pangarap ko

Dahil mahal Kita


Chorus:

Panghahawakan ko

Mga pangako Mo

Alam kong hindi ako mabibigo

Minamahal Kita

Sinasamba Kita

Ikaw ang lahat sakin

At ako'y para Sayo...

Wala Kang Katulad

Saturday, July 4, 2009

Awitin ko man
Lahat ng awit sa mundo
Di kayang ilarawan
Kadakilaan Mo

Kulang ang lahat ng tula
Kulang maging mga salita
Upang ihayag ang kabutihan Mo

Wala Kang katulad
Wala ng hihigit Sayo
Wala Kang katulad
Wala ng papantay Sayo
Ikaw ng Diyos
Noon pa man
Maging ngayon at kaylanman
Sa habang panahon
Wala Kang katulad..